• Saturday, June 23, 2012

      Kalsadang Madilim



      Isang gabing payapa ang kapaligiran
      Sa madilim na kalsada ako'y napadaan
      Mata'y nasa langit, isip sa kawalan
      Habang binabaybay ang daanang may kadiliman.

      Ngunit ako'y napahinto at napatingin
      Nang may isang liwanag akong napansin
      Sa sobrang kaba'y napahingang malalim
      "Diyos ko wag mo pong hayaang may mangyari sa akin!"


      Isang sasakyan ang huminto sa'king harapan
      at isang lalakeng bumaba nang dahandahan
      mahaba ang buhok at malusog ang pangangatawan.
      Tinungo ako ng walang pag-aalinlangan

      Nang ito'y lumapit, napatingin sa akin
      Isang kataga ang sa aki'y ipinarating
      "Boy gusto mo ba ng tsu*a?"
      At sa aking gulat ako'y napatulala!

      Tumalikod ako at tumakbo ng matulin
      Sa sobrang takot ni hindi ko na napansin
      Isang pinto ang sa aki'y tumambad
      Ng sa aming bahay ako'y mapadpad

      Ng gabing iyon, aking natutunan
      Na sa kalsadang madilim 'di na muling dadaan.

      4 comments:

      ayos! ganda nito trops..

      keep writing tropa!

      Keep writing? syempre boss Amp! :rofl: super nakakatakot po ito.

      Haha.. Ang kulet nito trops! :salute:

      Post a Comment

      Subscribe To RSS

      Sign up to receive latest news