• Thursday, August 23, 2012

      Rosas



      Talulot ang nagpapaalala
      Sa iyong napaka pait na pagsinta.
      Ang mga tinik nito ang syang naghabi
      Sa aking puso ng di malilimutang hapdi.

      Mapupulang kulay ang nagpinta
      Sa isang larawang ninanais na mabura.
      Ito'y dahan-dahang niyayapos
      Ang aking gunita'y tila nakagapos.

      Mata’y walang tigil sa pagtangis
      Sa sakit na dulot ng iyong kataksilan.
      Sa iyong pagmamahal ako ay nabigo.
      Sa pag-ibig na inialay, rosas na bulok ang iyong inihandog.

      1 comments:

      Post a Comment

      Subscribe To RSS

      Sign up to receive latest news