• Friday, August 24, 2012

      Bayani?


      Sadyang walang na nga bang pipigil
      Sa patalim na pilit kumikitil
      Sa mga hiyaw na kailanma’y di madidinig?

      Ang mga bayani sa panahon ngayon
      Mga bayani ng makabagong henerasyon
      Kanilang mga tinig ay nananatiling himig.

      Sapagkat sila’y binubusalan ang mga bibig
      Sa sako’y isinilid, mga dugo’t laman pati ang tinig
      Itinapon at palutang-lutang ang diwa’t ala-ala sa mga ilog.

      At kahit anong pagmamakaawa’y tila sawi
      Sa pagdulog sa kinauukulang madalas ay naiidlip.
      Oh, sadyang nakalulungkot at nakapanglulumo!

      Sa makabagong henerasyon, tanging iisa lamang ang tanong
      Bayani, uso pa ba sa ngayon?

      0 comments:

      Post a Comment

      Subscribe To RSS

      Sign up to receive latest news